Dianne at Mandy – Ang Sikreto ni Mandy 04 “An interesting Night”

(Wala munang sex, guys, konting character development lang hehe)

Kinabukasa’y hindi pa ako magising nang maayos ay punong-puno na ng missed call ang aking telepono. Puro tawag ng barkada, kay Lauren, Dan at Dianne. Syempre si Dianne ang una kong tinawagan.

“Hi Baby!” sagot n’ya.

“Oy. Tumawag ka?” tanong ko.

“Ya. Namimili lang kami ng pagkain para sa party.”

“Ah ok. Kumusta meeting mo kay sir?”

“Ok na. Kwento ko sa’yo pagdating namin.”

Mga ala-sais ng hapon nang dumating si Dianne, Lauren at Dan, para tulungan ako sa paghahanda.

“Sa’n si Mands? Akala ko kasama n’yo?” tanong ko habang nag-bababa ng mga pinamili.

“Ay bayaan n’yo ‘yung si chekwa I’m sure nakatulog lang ‘yun. ‘Di nga rin sinasagot mga text ko e.” pag-baliwala ni Lauren. Nagkatinginan kami ni Di, ngunit ‘di na namin ito masyadong inisip. Totoo ngang hindi ito ang unang beses na i-nindiyan kami ni Mandy dahil likas s’yang antukin at minsa’y nakakatulog ng isang buong araw (totoo!). Hindi na rin kami nag-hirap masyado, dahil halos puro ready made na ang kanilang mga pinamili. Eksaktong alas-siyete nang kami’y matapos. Eksaktong alas siyete rin nang mag-ring ang doorbell para sa unang bisita.

Pagbukas ko ng pinto’y sino pa nga ba ang mauuna kun’di si Julie?

“Hi Maxie happy birthday!” Masaya n’yang tawag, sabay akap at halik sa akin. Gaya ng unang beses ay mahigpit nanaman ang pag-akap n’ya sa akin, dikit na dikit ang kanyang maliit na katawan sa akin. Mabango at malinis ang kanyang amoy, parang amoy sabong pampaligo at hindi ko makakailang nagustuhan kong akapin rin ang kanyang malambot na katawan. Ngunit ang pinakanakakagulat sa aki’y habang mariin n’yang dinikit ang kanyang dibdib sa akin, ay napansin kong tumusok sa akin ang kanyang mga utong: WALANG BRA SI JULIE!

Hinawakan ko s’ya sa kanyang maliit na beywang at maingat na nilayo sa akin, bago pa kung anu-ano ang maisip ko. May naramdaman na akong bahagyang init sa aking singit, at ayoko nang palaganapin pa ito.

“Hi Julie!” Masaya ring bati ni Dianne, at nag-akapan rin ang dalawa (matang-lawin kong pinanood ang pagbanggaan ng kanilang suso hehe). Napansin ko ring medyo nagulat si Dianne nang s’ya naman ang makaramdam sa utong ni Julie, ngunit hindi na n’ya ito pinahalata sa bisita.

“Oh my God Di ang tagal na kitang hindi nakikita how have you been?”

“Uhm, ok naman Julie…halika sa loob have something to eat.” Ginabayan ni Dianne ang dalaga, ngunit lumingon muna sa akin ng patanong. Sumenyas rin akong hindi ko alam ang nangyayari.

“Julie! Welcome welcome! Ano ‘yang dala mo?” narinig kong bati ni Lauren.

“Hi Ren-ren! I brought grape juice like you said!” Masaya n’yang sagot. Nagkatinginan lang kami ni Dianne at napatawa ng konti.

“Nice, grape juice.” Sabat ni Dan, pinagmamasdan ang bote. Nakita kong umirap ng kaunti si Julie (mukhang hindi ganu’n kataas ang tingin n’ya sa bulakbol na si Dan). “Hi Dan.” Bati nito, sa paraang mas malamig pa sa umaga ng Baguio. “Oh, where’s Mandy? Akala ko she’s here?”

“Hay naku Jules ‘wag mo na isipin ‘yung si chekwa alam mo namang fashionably late parati ‘yun. Buti pa kumain ka na lang ng hotdog, uhm.” Inabutan s’ya ng hotdog ni Lauren, habang pasikretong humagikgik si Dan sa tabi.

“So kumusta naman ‘yung YFC, Jules?” tanong ni Dianne.

“Oh it’s doing great. Actually ngayong nag-volunteer na si Maxie to partner with me for the rest of the year e wala na akong problema.”

Sa sobrang gulantang ko’y napaubo ako’t lumabas sa aking ilong ang punch na iniinom ko. Rest of the year?

“Uy, babe ok ka lang?” natatawang tanong ni Di, pinapagpag ang aking likod. Mabuti na lang at muling nag-ring ang doorbell, at nagsimula nang magdatingan ang ibang mga tao.

Isa-isa namin silang binati, mga kaibigan at regalo, ngunit ang hinahanap-hanap naming masayang mukha ni Mandy ay hindi sumulpot.

Binuksan ni Lauren ang stereo, hudyat na simula na ang inuman at sayawan. Hindi naman ubod ng laki ang aking apartment, ngunit kaya nitong humawak ng mga trentang tao. Medyo masikip, pero komportable pa rin. Madaling sumunod ang ibang tao, at bago ang katagalan ay marami nang nagsasayaw at umiinom. Sumasaya na ang party, at dahil wala pa ako sa mood makihalo sa sayawan, ay umupo muna ako sa couch, katabi ng aking dalawang kabarkada, si Dan at Mark, parehong may hawak na beer at nagbubungisngisan sa kanilang mga sarili.

“Tawa tawa kayo d’yan?” tanong ko.

“Tol,” sagot ni Dan, “sexy rin pala ‘yang si Jules ‘no?”

“Ganda ng pwet o, tsaka legs. Tsaka nakita n’yo tangina walang bra?” Dagdag naman ni Mark.

“Onga liit ng boobs pero antutulis ng nipples!” tawa ni Dan, “Max. Kung hindi kayo ni Dianne kakantutin mo ‘yang si Julie?”

“Tarantado.” Sabi ko.

Huuu sige na, bro, tayo-tayo lang. Ako kakanain ko ‘yan, lahat ng posisyon. Mapapa-halle-luya sa’kin ‘yan.” Ngisi nito.

“Taena ako maski kami ni Di titirahin ko ‘yan.” ani Mark, sabay inom ng beer. Tiningnan ko si Julie, na mukhang nagsisimula nang mag-enjoy, may kausap na isa pang babaeng hindi ko kilala habang umiinom ng grape juice. Nagulat ako na nang biglang tumugtog ang “Sexy Bitch” ay nagsimula itong magsayaw, bagamat kaunti lang at tawa nang tawa, halatang medyo nahihiya pa. Masaya lang panoorin ang kanyang sexing katawang gumagalaw sa sayaw.

“Oo yata.” Sagot ko, sa tawanan ni Dan at Mark. “Pero seryoso, bro, kung sa mundo lang na hindi nag-eexist si Dianne ko gagawin ‘yun. Kontento na’ko.” Amin ko.

“Aysus, ako rin siguro kontento na kung girlfriend ko si Di.” Ani Dan.

Si Mark naman ang nag-boluntaryo. “Pero kilala n’yo kung sinong gusto kong tirahin? Max no offense, ha, pero tangina gusto ko makantot si Mandy. Alam ko tight kayo ‘nun pero shit, pustahan tayo bro pati pekpek nu’n, pati singit ‘nun mabango.”

Napaisip ako. Oo nga, mabango nga ang singit at pekpek ni Mandy, pero hindi ko na ito kinumpirma hehe.

“Tsaka ‘anlalaki ng dyoga ‘nun, ‘no? ‘Di ba best friend ‘yun ni Di, bro? Baka naman nasilipan mo na ‘yun?” gatong pa ni Dan.

“Tarantado akala ko ba kay Lauren ka na.” ganti ko.

“Ay tang ina isa pa ‘yung si Ren! ‘Yun ang gusto kong paiyakin sa sarap, men. Siguro makulit rin sa kama ‘yun, ‘no?” ayon ni Mark.

“Oy walang bastusan ng syota, ‘di ba, Dan?” tukso ko.

“Ows ‘tol, kayo na?” ani Mark.

“’Di pa, ang hirap nga, e.” sagot ni Dan, “naman kasi ‘tong si Lauren inaalaska na lang ako parati, hindi naman ako makasabay, tuloy nagmumukha lang akong tanga.”

“Harabasin mo na kasi.” Udyok ni Mark.

“Gago, ano ba alam mo sa panliligaw e hindi ka pa nagkaka-girlfriend sa buong buhay mo? Eto si Max gusto kong tanungin.”

Nag-isip ako sandali. Sa totoo lang medyo may pagka-alaskadora rin si Dianne minsan.

“Ewan ko lang Dan, ha. Pero maski alaskadora ‘yang si Ren tingin ko hindi naman s’ya naghahanap ng sasabay sa kanya, e. Minsan nang-aalaska lang ‘yang mga ‘yan para makita kung kaya mo bang tanggapin ‘yun mula sa kanila. Gusto lang n’yan minsan malaman kung gaano s’ya ka-special sa’yo, na kung iba ang nang-aalaska sa’yo sinasabayan mo, pero kung s’ya nung nang-aalaska, ayos lang kasi mahal mo naman s’ya. Parang pusa ba, minsan nangangagat pero nanlalambing lang talaga. ‘Tsaka maski gan’yan ‘yang si Ren alam ko pusong mamon ‘din ‘yan, bigyan mo paminsan-minsan ng mga bulaklak, ganu’n. Aalaskahin ka pero kikiligin din ‘yan.”

Natulala si Mark. “Lupet. Ilan na ba nainom mo?”

“Gago, may sense ‘yun.” Sabi naman ni Dan. “Alam mo, Max, tama ka. Pupuntahan ko si Lauren ngayon din, tapos magtatapat ako sa kanya.”

“Teka, teka ‘wag mong gawin nang lasing…” sinubukan ko s’yang pigilan, ngunit agad na s’yang tumayo at hindi na ako narinig sa lakas nang tugtog.

“Naku patay.” Bulong ni Mark. “Magkakalat ‘yan, ‘no?”

“Malamang.” Sagot ko. Bumalik na lang kami sa kakapanood kay Julie, na ngayo’y kinikembot-kembot na ang kanyang maliit na bewang. Dulot na rin ng aking kalasingan ay nakaisip ako ng isang malup-het nanamang ideya.

“Mark, baka dapat ligawan mo si Jules.” Mungkahi ko.

“Tama ka d’yan!” walang kaisip-isip n’yang ayon, at agad tumayo (at nagtapon ng kaunting beer) at nakipag sayaw kay Julie, na agad nahiya at tumigil. Ilang sandali lang ay bumaba na si Dan, hawak kamay kay Lauren (masaya kong pinanood ang pagtalbog-talbog ng suso ng tisay pagbaba sa hagdan) at walang tingin-tinging lumampas sa akin, at narinig kong nagtatanong si Lauren ng “…ano bang gusto mong pag-usapan ba’t ‘di na lang dito…”. Lumingon si Lauren sa akin, may patanong na ekspresyon sa kanyang magandang mukha, ngunit sumenyas akong hindi ko alam kung anong binabalak ni Dan. Umirap s’ya at nakisama na lang, at pareho silang lumabas sa pinto.

Sabi nga, “The night is getting interesting.”

Kumaway at ngumiti ako kay Dianne, na nakikipag-usap sa ilang mga taong dati n’yang kabarkada ngunit hindi na madalas makita simula nang sagutin n’ya ako. Kumaway at ngumiti rin s’ya pabalik, ngunit hindi sumenyas na puntahan ko s’ya. Masaya na rin akong pabayaan s’yang mag-enjoy kasama ng kanyang mga kaibigan.

Masaya akong mag-isa sa couch, umiinom ng beer nang biglang bahagyang tumahimik ang kwarto. May humahagikgik na nagtakip ng aking mga mata mula sa likod. Malalambot ang mga kamay at amoy mamahalin ang pabango. Nan’dito na pala si Mandy.

Maingat kong hinawakan ang malalambot n’yang mga kamay at tinanggal sa aking mga mata. “Ngeek Mandy corny mo…”

Kaya lang pagtalikod ko’y hindi ito si Mandy kun’di si Pammy.

Si Pamela Sandoval. Batchmate namin, dating kaklase, model, at ngayo’y up-and-coming na sexy star. Ang kinis-kinis ng kanyang balat at nakakahalinang caramel ang amoy ng kanyang hininga. Parang magandang manika ang kanyang exotic na mukha (halu-halong Chinese, Espanyol at Pilipina si Pammy), at ngayon lang ako nakakita ng ganuon kapupulang mga labi. “Happy birthday Maxie!” bati n’ya.

“Uh…hi Pammy kumusta?” tumayo ako at naglakad s’ya papaharap upang umakap sa akin. Agad ring lumapat sa akin ang kanyang malulusog na mga suso, bagamat medyo may katigasan ito dahil nga sa kanyang Vicky Belo breast enlargement (pero hindi ako nag-rereklamo mga friends!). Napakaliit rin ng kanyang bewang, halos parang hindi totoo ang kanyang mga kurbada.

“Buti nakarating ka, akala ko naman busy ka.” Biro ko.

“Oo naman, ‘no? Puro na lang ako trabaho ang tagal ko nang hindi nakiki-party. Nakakamiss kayo kumusta na?” tanong n’ya.

“Ok naman, ok naman. Ikaw naman kasi artista ka na nakalimutan mo na kami.” Drama ko.

“Uy ito naman telenovela lang ‘yun.”

“’Tsaka pelikula (kakalabas lang ng unang pelikula ni Pammy, Tumbang Preso) kaya.”

“’Tsaka pelikula,” amin n’ya, “napanood mo na ba? Nagustuhan mo ba?”

Naghubad si Pammy sa pelikulang ito. ‘Yun ang nagustuhan ko. Gaya ng inaasahan ay basura ang ibang bahagi nito, at pinanood lamang ng maraming tao upang makita s’yang nakahubad.

“Uh…yah…uh…maganda ‘yung movie ano…uhm…artistic.” Pagsinungaling ko. May mainit na braso na pumulupot sa aking beywang at biglang sumulpot si Dianne sa aking tabi.

“Hi Pammy.” Ngiti ng morena.

“Hi Di! Kumusta na!” nag-akapan ang dalawa (hindi kumalas si Dianne sa akin, kundi’y umakap kay Pammy nang isang kamay lang ang gamit).

“Ok naman. I’m glad nakarating ka sa party ni Maxie ko.” Sagot n’ya, sabay sandal ng kanyang magandang ulo sa aking balikat.

“Syempre naman, miss na miss ko na kayo, e, lalo na ‘tong si Maxie mo.” ani Pammy, at ginulat ako nang haplusin ako sa mukha ng kanyang kanang kamay.

“O sige, make yourself at home, may beer sa ref, kuha ka lang. Madaming nag-hahanap sa’yo dito.” Parang nakakakilabot ang lamig sa boses ng morena. Ngayon ko lang narinig ang tonong ito mula sa kanya.

“Ok sige, I’m gonna do my rounds pero I wanna catch up with you guys mamaya ok?” sabi ni Pammy, at kumindat sa akin, sobrang bilis na maski yata si Dianne ay hindi ito napansin. Naglakad s’ya papalayo, ang kanyang bewang gumegewang-gewang sa plaid na miniskirt na suot n’ya. Nanliit ang mga mata ni Di at nagsunog ng butas sa likuran ni Pammy. Para s’yang pusang naglalabas ng pangil. Bakit kaya?

Biglang diretso ng tayo si Dianne. “Nakita mo kung nasa’n si Ren?” tanong n’ya.

“Lumabas, kasama ni Dan.” Sagot ko. Tumalikod s’ya at nag-akmang aalis, ngunit hinawakan ko ang kanyang braso. “Baby ayos ka lang?”

Kumagat s’ya sa kanyang labi at tumango. “Ya ok lang. So nasa labas sila?”

Tumango ako. “Oo kaso, nagtatapat na yata ng walang-hanggang pag-ibig si Dan, e, baka masira diskarte n’ya.” Biro ko, sabay kiliti sa bewang ng morena. “Uyy…ngingiti na ‘yan.”

“Hihi… o sige na nga mamaya na lang. Ok ka naman? Ok ka naman sa party mo?”

“Oo naman.” Sagot ko, inaakap ang morena at hinahaplos ang kanyang buhok, “Oo naman.” Sumimangot s’yang palambing sa akin.

“Nasa’n ba si Mandy, babe?” mahina n’yang tanong.

“’Di ko nga alam, e, kanina ko pa tinatawagan.” Sagot ko. “Puntahan ko kaya?”

Babe. Party mo ‘to, ‘di ka pwedeng umalis ‘no? Ako na lang pupunta.”

“Alanganamang pumunta ka ‘dun mag-isa?”

Umikot ang mga mata ng aking girlfriend. “Ano, tingin mo dahil babae ako hindi ko kayang mag-drive mag-isa papunta sa bahay ng best friend ko?”

Patay.

“Hindi naman sa ganu’n, baby. Alam mo naman ‘yung ibig sabihin ko ‘diba? Gabi na ‘tsaka walang kwenta ‘tong party ko kung wala ka.”

Lumiwanag ang kanyang mukha sa isang de-dimple na ngiti. “Alam ko, joke lang ‘no? Uuuuyyy kinabahan ka ‘no?” pinisil n’ya ang aking mga pisngi. “I’ll be fine, ‘tsaka babalik din naman ako agad, e. Tapos ‘pag kasama ko na si Mands e ‘di baka ano…alam mo na…” ngumiti s’ya ng papilya at bumulong sa tenga ko, “baka ibang uniform naman ‘yung isuot namin.”

Humiwalay s’ya at tinaas ang kanyang kanang kamay, nakasabit na sa isang daliri ang aking susing dinukot n’ya mula sa aking bulsa. May lahing snatcher pala ‘tong dyosang ‘to.

“Pa’no mo na…?”

Humagikgik s’ya at dumulas papalayo, nawala sa pagitan ng mga tao sa party. “Text mo ‘ko agad!” tawag ko, at nakita kong kumaway ang kanyang kamay sa taas ng mga tao.

Tama nga naman s’ya, hindi pa kami magkakilala’y nagmamaneho na si Dianne, at sadya talaga s’yang maingat, pero hindi ko pa rin mapigilang mag-alala.

“Uy, Maxie.” May mala-sutlang boses mula sa likod. Si Pammy, todo ngiti at may hawak na dalawang San Miguel.

“Uy.” Sagot ko naman, tinatanggap ang kanyang inaalok. “Salamat.”

“Happy Birthday ulit!” tinaas n’ya ang kanyang bote, at tinapik ko ito ng akin. “Sa’n pumunta si Dianne mo?” tanong n’ya.

“Ay, ano, susunduin lang si Mandy, dapat kasi nan’dito s’ya pero hindi pa namin nakikita simula kaning umaga.” Sagot ko.

“Sweet naman. So iniwan ka n’ya dito para sunduin ‘yung best friend n’ya?”

“Hindi naman sa ganu’n, sabi ko nga ako na lang pero nag-volunteer s’ya kasi party ko raw ‘to.”

“Ahhh, ok,” tumango s’ya at uminom ng beer, “so kumusta ka na? Anong bago?”

“Wala naman masyado. Approved na ‘yung thesis proposal ko, so halos matatapos na rin ‘yung paper mismo. ‘Yung sa’yo ba?”

Kumunot ang kanyang noo. “Eh, hindi ko na natapos, magdo-drop na lang siguro ako, sobrang busy kasi, e.”

“Hirap talaga maging showbiz ‘no?” tukso ko. Tumawa s’ya, ang kanyang magandang mukha’y nawala sa isang halos mala-batang saya, at napayukod pa. Hindi ko inasahan na sobrang matatawa s’ya sa sinabi ko. Weird.

Hinawakan n’ya ang aking braso. “Joker ka talaga. Actually sobrang hectic nga n’ya talaga. Halos every day may shooting, tapos next month I have to do a photoshoot pa with…alam mo na, that men’s magazine.”

“Ows? Lalabas ka ‘dun?”

Napangiti s’ya. “Mm-hm. Bibili ka’no? Ikaw ha? Gusto mo ‘kong makitang naka-bikini lang ha.”

“Uh…”

Muli s’yang tumawa at hinaplos ang aking braso. “Wow, nakakatuwa ka naman ang demure-demure mo. Ok lang naman umamin right? ‘Tsaka hindi mo namang kailangang bumili ‘nung magazine pwede mo naman akong makita naka-bikini in person.”

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Dati, nuong medyo chubby pa ito ay tumatambay kami paminsan-minsan ni Pammy, pero natigil ito simula nang s’ya’y mag-artista. Mag-iisang tao’t kalahati na kaming hindi nag-uusap, at ngayo’y ganito ang mga hirit n’ya.

Sa kasawiang palad ay ngayong nan’dito s’ya, ubod ng ganda, ubod ng bango, at ubod ng sexy, at nagbibiro ng ganito ay hindi napigilang mag-alerto ang aking sundalo. Hirap na hirap rin akong hindi pagmasdan ang kanyang katawang pang-boldstar, ang kanyang tayung-tayong mga susong hapit na hapit sa isang masikip na top (at maaaninag na ang isang pulang bra), at pang-schoolgirl na plaid na miniskirt na walang tinulong sa pagtago ng kanyang makikinis at makremang mga legs. Napalunok ako.

Tumawa na lang ako at medyo kinakabahan na. “Swerte ko naman.”

“Hehe. Hindi naman, it’s not like we’re not friends ‘di ba? Actually kung wala kang gagawin next month, sa 15th, you should come by. Nakaka-tense din kasi ‘yung mga shoots minsan, lalo na ‘andami-daming mga lalaking nakatingin lang sa’kin tapos I’m walking around in a bikini. Kung nan’du’n ka that might help calm me down.”

Wala pa akong plano for the 15th.

“Oh, uhm…sige…ok lang kung isama ko si Di? Baka gusto rin n’yang makakita ng shoot ng personal.”

Nabawasan ng kaunti ang kanyang ngiti. “Sige, that’s fine, kung wala rin s’yang gagawin, pero alam mo naman si Dianne I don’t think mai-interesa s’ya sa gan’yan.”

Patuloy kaming nag-usap at nag-biruan, at nakahalata akong panay ang haplos ni Pammy sa aking mga braso at pati na rin sa tiyan. Kinabahan na ako ng konti, lalo na dahil hindi ko makailang nakakatigas talaga ng titi ang alindog ng dalaga. Mabuti na lang at biglang pumasok si Lauren, mukhang natataranta.

“Hi Lauren!” masayang bati ni Pammy sa tisay at sila’y nag-akapan at nagbanggaan ng dyoga. Bumeso rin si Lauren at gumanti si Pammy ng halik, masyadong malapit sa labi ng tisay (guniguni ko lang rin kaya na sumulyap si Pammy sa ‘kin paghalik kay Lauren?).

“Pams, teka lang ha. Max, ‘asan si Di?”

“Umalis sandali susunduin…”

“Si chekwa, ‘asan si chekwa?”

“Sinundo ni Di wala pa sila…”

Fuck!” mura ni Lauren sa sarili n’ya, “sige ikaw na nga lang. Pams hiramin ko lang si Max sandali ha?” Dumukot s’ya sa hangin at hinablot si Mark, matagal nang iniwanan ni Julie at nagmumukmok sa isang sulok, sa kanyang kwelyo. “Pammy, Mark. Mark, Pammy.” Pakilala n’ya.

“Uy.” Abot-tenga ang ngiti nito nang makita kung sino ang nasa harapan n’ya, “Hi. Ako si Mark. Pero ‘yun can call me yours…hehehe…” Umirap si Pammy at hinila ako papalayo ni Lauren.

“Taena ‘Ren, ano ba? Anong nangyari?” tanong ko nang mahila n’ya ako paakyat sa balkonahe.

“Tang ina, Max. Walang’ya, nagtapat si Dan sa’kin tangina.” Bulong n’ya. “Mahal pala ‘ko ni gago.”

Nagkunwari akong nagulat. “Oh, anong problema? ‘Di ba may crush ka din naman ‘dun? Ba’t parang ayaw mo?”

Tumingin sa baba ang tisay, parang nahihiya.

Ehksadberdpkow”. Bulong n’ya.

“Ano?”

Ksebirdjapaku”.

“Ha?”

“Eh kasi…eh kasi virgin pa ako.” Bigla n’yang binabaan ang kanyang boses. Nagulat ako dito. Si Lauren? Virgin? Ang pinaka-kiri sa aming magbabarkadang halos minu-minuto’y sex ang gustong pinag-uusapan?

“So? Ano naman ngayon?” sagot ko. “’Di ba mas ok pa nga ‘yun kung s’ya ‘yung magiging una mo? Magugustuhan pa n’ya ‘yun.”

Kumunot ang mukha ng tisay. “Hello? Hindi kaya ganu’n mag-isip ang lalaki?”

“Uh, Ren, lalaki ako?”

“Alam ko, pero weird ka. Weird kang lalaki. Fuck sabi na nga ba dapat si Di o si Chekwa ‘yung kinausap ko, eh. Pa’no ‘pag nalaman n’yang wala akong kaalam-alam sa…alam mo na.” Nagdabog s’ya.

“Ren? Nagwo-worry ka over nothing. Ano bang pakialam n’ya kung virgin ka? Para namang masamang bagay ‘yun. Basta subukan mo lang if something grows between you guys. Walang problema sa lalaki ‘yan, I promise.”

“Sure ka?” tanong n’ya.

“Oo naman.”

May maliit na ngiting tumubo sa tabi ng kanyang labi. “Talaga? So ok lang sa’yo kung ligawan n’ya ‘ko?” Nagulat ako sa tanong na ‘to.

“O? S’yempre naman pareho ko kayong kaibigan, s’yempre gusto kong magkatuluyan kayo. ‘Tsaka ano namang kinalaman ko d’yan e sa pagitan n’yo ‘yang dalawa?”

Tumango s’ya. “Sure ka? Wala kang…problema? Kahit ano?” parang may hinahanap s’yang sagot mula sa’kin.

“Uhm…wala.”

“Ok. Astig.”

“So ayos na? Wala nang problema kay Dan?”

“Yup, wala na.” Masaya n’yang sagot, “Basted na s’ya sa ‘kin.”

Hanglabo-labo talaga.

Tumalikod s’ya sa akin at bumalik papasok sa party. Inagaw n’ya ang beer ng isang inostenteg taong dumadaan lang, “Woooooo!” sumigaw s’ya ng malakas, at nakipag-dirty dancing kay Pammy, na nakihalubilo na sa mga tao. Masyado na ba akong nalasing?

Tinawagan ko si Dianne.

“Baby?” sagot n’ya.

“Uy. ‘San ka na? ‘San na kayo?” tanong ko.

“Baby, mukhang matatagalan pa ako uhm…(may kinausap s’ya sa background), babe kakausapin ka raw ni Mandy.” Inabot n’ya ang telepono sa kanyang best friend. “Maxie?” tanong ng chinita.

“Mandy, ‘asan ka? Are you ok?”

“I’m fine, I’m fine…sorry talaga ha? Naabala ko pa tuloy ‘yung party mo…”

“Mandy, Mandy, Mandy. Please just tell me you’re ok.”

Narinig ko s’yang nag-buntong hininga. ‘Yung tipong ginagawa n’ya bago ngumiti. Nakita ko s’ya sa isip ko, lalo pang naningkit, kinakagat ang kanyang kuko. Classic Mandy.

“I’m fine, Maxie. Can I…we…ok lang if I see you bukas? Susunduin ka na lang namin ni Di?”

“Oo naman. Oo naman.”

“Ok. Kita na lang tomorrow. I love you.” Ang lambing ng kanyang boses. Parang hangin. Natunaw ang aking puso.

“I love you too.”

Narinig kong binalik n’ya ang telepono kay Dianne. “Baby?”

“Hey, Di. So I guess d’yan ka na magpapalipas?”

“Mm-hmm”. Narinig ko ang kanyang simangot. Nakita ko sa isip kong lumukot ng kaunti ang kanyang ilong. Classic Di. “Ok lang ba d’yan?”

“Ayos lang. Kita na lang bukas.”

“Love you.”

“Love you too.”

Binaba ko ang telepono. Nagkakagulo na sa loob ng apartment.  May mga taong lumabas sandali para ayain ako sa loob, ngunit nagpaumanhin ako’t tumanggi. Sapat na sa akin ang maging mag-isa muna. Tinalikuran ko ang apartment at pinanood na lang ang mga ilaw ng Maynila sa aking balkonahe.

Muling umahas sa aking likod ang mala-sutlang boses. “Maxie naman. Ba’t nan’dito ka mag-isa? I got us drinks.” Sinamahan ako ni Pammy sa labas, may dalang isang bote ng Jack Daniels.

Itutuloy…

5 Responses to Dianne at Mandy – Ang Sikreto ni Mandy 04 “An interesting Night”

  1. ne0n says:

    hope masundan agad… avid fan tlga ako ng series na ito mula pa nung start… more power mr maxie moreno….piz

  2. bitchy_marefe says:

    sundan na please.

  3. krum says:

    kelan next part? saan malapit n…

  4. maxiemoreno says:

    malapit na po mga friends😀 next week po.

    meanwhile, daan muna kayo sa ulayaw.ning.com!

  5. Ellie says:

    Maxie! It’s me again. Hay, ang sarap mo maging bf. :> I really love your character in your story. As in SUPERB. Sana may mga lalaki pa na katulad mo. How i wish na makahanap ako ng guy na tulad mo.🙂 And, ang ganda ng stories mo! Keep it up!🙂 Madaming iidolo sa’yo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: