Para sa mga mambabasa…

Sana po ay tanggapin ninyo ang aking paumanhin. Naging magulo po ang taong 2011 para sa akin. Malamang ay pamilyar sa inyo ang nangyayaring “recession” sa US at kinailangan kong humanap ng bagong trabaho. Sa awa ng diyos ay nakapagsimula ako ng maliit na business sa pamamagitan ng aking ipon, at nagsimula na itong kumita ngayong lumipas na tatlong buwan.
Ngayong taon rin ay marami kaming masakit na pinagdaanan ni real-life Dianne, ngunit nagdesisyon kaming manatili sa piling ng isa’t isa, at mabuti na lang dahil masaya na ulit kami. Ganu’n ‘ata talaga kapag mahal mo ang tao, kailangan mo lang bunuin ang mga bagyo at maaayos rin ang lahat.
Hindi ko na kayo aantukin pa sa maliliit na detalye ng aking buhay, gusto ko lang ipamahagi na hindi ko kayo nalimutan, at matagal nang nakasalang ang kasunod ng “Dianne at Mandy” series, at gayon rin ang “Lahing Habulin”, kaya lang ay ayaw ko itong ilabas ng walang ganap na ‘polishing’ kumbaga. Lalabas na po ang sunod na installment ng D&M next week.
Pasensya na po. Sana ay maayos ang lahat sa inyo, at hindi kayo binaha masyado (maglinis ng paa kontra alipunga!).
~Maxie.

4 Responses to Para sa mga mambabasa…

  1. boyromansa says:

    Aaaahhhhh… boss maxie… lumabas ka rin..!!!

    buti naman at ayos ka.. at sana lumago pa yan.. yung business mo..

    muntik na ko mawalan ng pananalig sayo.. hehe­čśä

    may problema ka pala.. kala ko tinamad ka na ipagpatuloy to.. pero buti naman ayos na..

  2. xPsykex says:

    Aun, nabuhay c sir maxie. abangan ko yan nxt issue sir! salamat xD

  3. ne0n says:

    thats good si max na naka bangon ka ulit after mawalan ng job and with your real life dianne.. what dosnt kill you talaga only makes you stronger.. hope things work out great with you.. inaabangan na namin ng mga fans mo ung next installment paki bilisan na.. hehe

  4. krum24 says:

    buti ok k n idol maxie… kala ko ano n ngyari sayo… buti lagi ko p dn chicheck site mo…. good luck s life…. wait ko n lng mga new posts mo…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: